Steps to Success.jpeg
Steps to Success.jpeg
Misyonero
Mga Hakbang Para sa Tagumpay
> ... Mga Hakbang ng Misyonero sa Tagumpay

Tumutulong ang EnglishConnect para sa Misyonero upang sila ay matuto ng Ingles sa pamamagitan ng pag-aaral at pananampalataya (Doktrina at mga Tipan 88:118). Sa iyong pakikipag-ugnayan sa ating Ama sa Langit na matamo ag kaloob ng wika, tutulungan ka Niya. Sundin ang mga hakbang sa ibaba upang makapagsimula.

EnglishConnect for Missionaries Purpose and Testimonial (Tagalog)

Unang Hakbang

Basahin nang maigi at kumpletuhin ang mga gawain sa bawat tab sa ibaba. Kung kailangan mo ng tulong, kausapin ang iyong tagapag-ugnay ng wika ng misyon

  • Magsimula
  • Mabungang Pag-aaral
  • Subaybayan ang Iyong Progreso
  • Pagkatapos ng Iyong Misyon
Magsimula
Intindihin ang iyong Pananaw
Kung hindi ka marunong mag-Ingles, dapat mo itong pag-aralan bilang isang misyonero. Pagpapalain ka nito sa iyong misyon at sa habambuhay. Ang pagkatuto ng Ingles ang daan para makatulong ka sa pagtatayo ng kaharian ng Panginoon sa iba pang paraan at magiging
pagpapala ito sa iyo at sa iyong pamilya." - Mangaral ng Aking Ebanghelyo, Kabanata 7

Paano ka matutulungan ng Ingles na maisakatuparan ang iyong mga layunin pagktapos ng iyong misyon?
"Para sa aking trabaho, nagsusulat ako ng mga email araw-araw sa aking tagapamahala... Nagsusulat ako sa antas ng eksperto. Natutunan ko iyon sa EnglishConnect para sa mga Misyonero." Elder Sellar – Brazil São Paulo & India Bengaluru Missions.

  • Mapagbubuti ng EnglishConnect iyong ang mga oportunidad sa trabaho at edukasyon, lalo na sa pamamagitan ng BYU-Pathway Worldwide.
  • Pag-isipan nang may panalangin ang paningin ng ating Ama sa Langit para sa iyong buhay. Pag-isipan kung paano makatutulong ang Ingles upang matulugan kang maisagawa ang pananaw na ito. Isulat ang iyong mga naisip. Pwede mong gamitin ang pananalita ni Presidente M. Russell Ballard "Bumalik at Tumanggap" bilang gabay upang linangin ang sarili mong mga layunin.
  • Panuorin ang video sa ibaba upang malaman kung paano mabibiyayaan ng EnglishConnect ang iyong buhay ngayon at sa hinaharap.



    Ikaw ay magtatagumpay sa iyong pagtitiwala sa Espiritu Santo at paghahangad ng kaloob ng wika.

    "Bahagi ng paghahangad ng kaloob ng wika ay pagsusumikap at pakikibaka at sa paggawa ng lahat ng maaari mong gawin upang matutunan ang wika. Maging matiyaga habang ikaw ang nag-aaral ang nag-eensayo ng wika. Magtiwala na tutulungan ka ng Espiritu basta’t namumuhay ka nang marapat at ginagawa mo ang lahat. Manalig na mapapasaiyo ang kaloob na mga wika sa tunay at totoong kahulugan nito." - Mangaral ng Aking Ebanghelyo, Kabanata 7
    Piliin ang Iyong Antas
    "Tutulungan tayo ng mabait na Ama sa Langit sa ating paglalakbay. Una, matuto sa kung ano ang dapat nating matutunan. Pangalawa, gawin kung ano ang dapat nating gawin. At ikatlo, maging kung sino dapat tayo maging." - Presidente Thomas S. Monson, Matuto, Gawin, Maging

    Nag-aalok ang EnglishConnect ng iba't ibang antas upang matulungan kang matuto ng Ingles. Isipin ang iyong kasalukuyang antas ng kasanayan sa Ingles at kumpiyansa sa wika, pagkatapos ay basahin ang paglalarawan sa baba upang matukoy anf iyong panimulang antas.

    Basahin ang mga antas sa EnglishConnect at magpasya kung ano ang tama para sa iyo.

    • EnglishConnect para sa mga Baguhan: Alam ko ang iilang mga salita sa Ingles o wala talaga.
    • EnglishConnect 1: Pamilyar ako sa alpabetong Ingles ang kaya kong magsalita ng mga pangunahing salita at kabisadong mga parirala.
    • EnglishConnect 2: Kaya kong gumawa ng panimulang mga pangungusap subalit minsan ay nahihirapan akong magkaroon ng simpleng panayam.
    • EnglishConnect 3: Kaya kong magkaroon ng natural na pakikipag-usap, pagbabasa, at pagsusulat ng mga pangunahing mga pangungusap.

    Kung kailangan mo nang kaunting tulong sa pagpili ng iyong antas, maaari mo ring gamitin ang placement tool upang makakuha ng mungkahi. Sa huli, ikaw ang magpapasya kung anong antas ang pinakamainam para sa iyo.

    Ipaalam sa iyong tagapag-ugnay ng wika ng misyon o pinuno ng misyon kung anong antas ang iyong pinili.
    Gamitin ang Iyong mga Materyales
    Ang EnglishConnect 1, 2, at 3 ay may gawaang aklat. Kung kailangan mo ng gawaang aklat, makipag-ugnayan sa iyong tagapag-ugnay ng wika o mga pinuno sa misyon. Kung ikaw ay baguhan sa EnglishConnect, gamitin ang gabay sa ibaba. Kung ikaw ay nasa EnglishConnect 1, 2, o 3, i-download ang mga audio file ayon sa iyong antas sa iyong mobile device sa misyon.

    Ang mga online resources na ito kabilang ang mga apps. sa audio at mobile ay makatutulong sa iyong pagsulong sa gabay sa mga baguhan o sa iyong gawaang aklat.

    Maaari mo ring ma-access ang mga mada-download na mga audio track para sa mga pagsasanay sa gawaang aklat na nasa mga karagdagang mapagkukunan bahagi.

    Magpatuloy sa sunod na tab: Mabungang Pag-aaral
    Mabungang Pag-aaral
    Maghanda sa Espirituwal
    Upang makamit ang iyong mga layunin, kinakailangan mo ring ihanda ang iyong sarili na pang-espirituwal. Isaalang-alan ang mga sumusunod na mga mungkahi galing sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo, Kabanata 7, Sa iyong pagplaplano ng iyong aaralin:

    • Taimtim na manalangin para sa tulong mula sa langit.
    • Hangarin ang mga kaloob ng Espiritu tulad ng kaloob ng mga wika at kaloob ng pagpapaliwanag ng mga wika.
    • Pag-aralan, praktisin, at gamitin ang wikang gamit sa misyon bawat araw.
    Bumuo ng Plano sa Pag-aaral ng Wika
    "Ang pagbubuo ng plano sa pag-aaral ng wika ay makatutulong sa iyo na magbigay-tuon sa oras ng iyong pag-aaral ng wika bawat araw." - Mangaral ng Aking Ebanghelyo, Kabanata 7

    Makagagawa ka ng iyong mithiin na pang-araw araw at lingguhan upang mapanatili ka sa pagsubaybay ng iyong pag-unlad.

    Tulad ng nakasaad sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo, "Suriin at baguhin ang iyong plano sa pag-aaral. Magsuring muli sa iyong plano sa pag-aaral bawat linggo upang malaman kung ito ay mabisa."

    Anyayahan ang iyong kasama at mga pinuno ng misyon upang magmungkahi ng maaari mo pang ipagpabuti.
    Gamitin ang Iyong mga Materyales sa EnglishConnect
    Ang mga online resources na ito ay makatutulong sa iyong progreso sa mga gabay sa mga baguhan o sa iyong gawaang aklat.
    Pag-unlad sa pamamagitan ng iyong mga antas
    "Ang mga makabuluhang mithiin at maingat na pagpaplano ang tutulong sa iyo para maisagawa ang iniuutos ng Panginoon sa iyo." - Mangaral ng Aking Ebanghelyo, Kabata 8

    Mag simulang mag-aral at mag-ulat ng mga layunin at pagsulong sa iyong mga pinuno ng misyon.

    Paano ko malalaman kung handa na akong magpatuloy?
    • EnglishConnect para sa mga Baguhan: Tapusin ang anim na mga leksyon sa EnglishConnect na Gabay sa mga Baguhan sa Tall Embark mobile app.
    • EnglishConnect 1: Tapusin ang lahat ng mga gawain, ipasa ang mga yunit test, at ipasa ang huling pagsusulit sa EnglishConnect 1 na may 80% marka o mas mataas, tapusin ang paunang pagsusulit ng EnglishConnect 2.
    • EnglishConnect 2: Tapusin ang lahat ng mga gawain, ipasa ang mga yunit test, at ipasa ang huling pagsusulit sa EnglishConnect 2 na may 80% marka o mas mataas.
    • EnglishConnect 3: Patuloy na pag-aralan ang EnglishConnect 3 hanggang sa katapusan ng iyong misyon upang hight na makapaghanda sa pagkuha ng ikahuling pagsusulit sa iyong huling paglipat.

    Pagkatapos suriin ang halimbawa ng lingguhang plano sa ibaba, magpatuloy sa susunod na tab: Subaybayan ang Iyong Progreso

    Halimbawa ng Balangkas ng Lingguhang Pag-aaral
    Bilang misyonero, maaari kang mag-aral ng Ingles hanggang isang oras bawat araw. Pindutin ang mga araw sa ibaba upang silipin ang balangkas ng lingguhang pag-aaral.

    Unang Araw
    EnglishConnect 1 & 2:
    • Aralin ang mga talasalitaan ng aralin (sa likod ng gawaang aklat).

    EnglishConnect 3:
    Ikadalawa at Ikatlong Araw
    EnglishConnect 1 & 2:
    • Gawin ang mga pagsasanay (pakikining, pagsasalita, pagbabasa, pagsusulat) sa gawaang aklat o online.
    • Gamitin ang mga gawaing nakalista sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo, Kabanata 7 upang mapaghusay ang iyong pagsasanay.

    EnglishConnect 3:
    • Magsimula ng pansariling pag-aaral ng wika
    • Kahusayang Pagsasanay:
      • Ikalawang Araw: Pagsasalita
      • Ikatlong Araw: Pagsusulat
    • Gamitin ang mga gawaing nakalista sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo, Kabanata 7 upang mapaghusay ang iyong pagsasanay.
    Ikaapat at Ikalimang Araw
    EnglishConnect 1 & 2:
    • Gawin ang bahagi ng Pagpapalawak na mga Gawain sa gawaang aklat o online nang sarili o nang may kasama.
    • Gawin ang bahagi ng Kasama sa Pagsasanay sa gawaang aklat nang may katambal.
    • Gamitin ang mga gawaing nakalista sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo, Kabanata 7 upang mapaghusay ang iyong pagsasanay.


    EnglishConnect 3:
    • Practice Partner Study
    • Kahusayang Pagsasanay:
      • Ikaapat na Araw: Pagbabasa
      • Ikalimang Araw: Pakikinig
    • Gamitin ang mga gawaing nakalista sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo, Kabanata 7 upang mapaghusay ang iyong pagsasanay.
    Ikaanim at Ikapitong Araw
    EnglishConnect 1 & 2:
    • Magbalik-aral sa mga talasalitaan, patern, at panayam sa gawaang aklat.
    • Magsanay na magsalita hangga't maaari.
    • Gamitin ang mga gawaing nakalista sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo, Kabanata 7 upang mapaghusay ang iyong pagsasanay.

    EnglishConnect 3:
    • Practice Partner Study
    • Kahusayang Pagsasanay
      • Ikaanim na Araw: Pagsasalita
      • Ikapitong Araw: Pagsusulat
    • Gamitin ang mga gawaing nakalista sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo, Kabanata 7 upang mapaghusay ang iyong pagsasanay.
    Subaybayan ang Iyong Progreso
    Mag-ulat sa Panginoon
    Binigyan ka ng Panginoon ng ganitong pagkakataon upang matuto ng Ingles habang ikaw ay naglilingkod sa iyong misyon.

    Magbigay-sulit sa Diyos bawat araw sa iyong pag-unlad at humingi ng tulong sa Kaniya na matulungan ka sa mga bagay na nahihirapan ka.

    "Habang hindi tayo lahat pantay-pantay sa karasanan, kakayahan, at lakas, ... tayo ay may pananagutan sa paggamit ng mga kaloob at pagkakataon na ibinigay sa atin." - President James E. Faust, Naniniwala Akong Kaya Ko, Alam Kong Kaya Ko
    Mag-ulat sa Pangulo ng Misyon
    Itinuro si Presidente Monson: "Kapag sinusukat ang paggawa, ang paggawa ay humuhusay. Kapag ang paggawa ay sinukat at iniulat, ang antas ng paghusay ay tumataas”

    Ibahagi ang iyong pag-unlad sa pangulo ng misyon at humingi ng iyang payo upang malampasan ang kahit anong pagsubok na iyong ikinahaharap. Anyayahan siya na tulungan kang maintindihan paano matamo ang mga kaloob ng wika.
    Kuhanin ang Iyong Pagtatasa
    Mga Pagsusulit sa Yunit at Antas
    Sa pagtatapos ng bawat yunit at antas, tapusin ang kalakip na mga opsyonal na pagtatasa sa Mga Mapagkukunang Misyonero.

    Ang Pagsusulit ng Elicited Imitation (EI)
    Kumuha ng EI kada tatlong paglipat (apat na buwan) sa Missionary Portal upang masubaybayan ang iyong progreso sa kasanayan sa wika. Kunin ang iyong huling EI test sa iyong huling paglipat. Siguraduhing i-download ang iyong sertipiko sa katapusan ng iyong pagsusulit at i-save ito. Maaari mo itong gamitin upang maipakita sa mga employer o mga organisasyon ng edukasyon ang iyong kasanayan sa Ingles. Kung yung puntos mo ay 6.5 o mataas pa, ikaw ay maaaring maaprubahan na matanggap sa BYU-Pathway Worldwide.

    Magpatuloy sa sunod na tab: Pagkatapos ng Iyong Misyon
      Pagkatapos ng Iyong Misyon
      Conitnue Learning
      "Sikaping maging napakahusay sa wika sa buong misyon mo at kahit nakauwi ka na. Marami nang biyayang ibinigay sa iyo ang Panginoon, at maaaring gamitin Niya ang kakayahan mo sa wika balang-araw. Ipinaliwanag ni Elder Jeffrey R. Holland: “Umaasa kami ... na bawat misyonerong nag-aaral ng bagong wika sa pagtuturo ay magpapakahusay rito hangga’t maaari...At kapag ginawa ninyo ito, ang kakayahan ninyong [magturo] at magpatotoo ay lalong iinam. Lalo kayong tatanggapin at espirituwal na hahangaan ng [mga taong inyong tinuturuan]...Huwag makuntento sa iilang mahahalagang salitang alam ng misyonero. Sikaping pag-aralan ang lahat ng mapag-aaralan ninyo sa isang wika, at lalo ninyong maaantig ang puso ng mga tao.” - Mangaral ng Aking Ebanghelyo, Kabanata 7

      Kung hindi mo natapos ang EnglishConnect sa iyong misyon, sumama sa pangkat ng pag-uusap malapit sa iyo.
      Magpalista sa BYU-Pathway Worldwide
      Matapos gawin ang huling EI, kung ang iyong puntos ay 6.5 o mas mataas pa, ikaw ay maaaring maaprubahan na matanggap sa BYU-Pathway Worldwide.
      Gamitin ang iyong kasanayan sa Ingles upang makakuha ng mas magandang trabaho
      Pinapakita ng pagsasaliksik na ang kahusayan sa Ingles ay maaaring palawakin ang iyong oportunidad sa trabaho at pataasin ang halaga ng iyong sweldo. Habang ikaw ay naghahanap ng trabaho pagkatapos ng iyong misyon, isama mo ang lebel mo sa lenggwaheng Ingles (mula sa EI) bilang isang kasanayan sa iyong resume o CV.

      Ikalawang Hakbang

      Mag-ulat sa iyong Missionary Portal na natapos mo ang pagsasanay.

      Karagdagang Mga Mapagkukunan
      Sundan ang mga link na nasa ibaba para sa mga karagdagang mapagkukunan at tulong.