Ang EnglishConnect para sa mga Misyonero ay tumutulong sa mga misyonero na mahubog ang kanilang kasanayan sa Ingles upang pataasin ang kanilang paglilingkod pagkatapos ng misyon, ang kanilang trabaho, at ang kanilang oportunidad sa pag-aaral -- lalong-lalo na sa BYU-Pathway Worldwide.
Sundin ang mga hakbang sa ibaba upang mag-umpisa.
Mga Hakbang upang Magtagumpay para sa mga Pangulo ng Misyon
Unawain ang Pangitain
Ang pagkatututo ng Ingles ay magbibigay ng makabuluhan na epekto sa iyong landas sa buhay bilang isang misyonero na nakauwi na Ang kahusayan sa Ingles ay maaaring magbukas ng pinto para sa pag-aaral, lalo na sa BYU-Pathway Worldwide, at gagawin nito na palawakin ang mga oportunidad ng mga nakauwing misyonero sa pagtatrabaho at gayundin na pataasin ang kanilang kakayahan na kumita.
Ikaw ay may mahalagang gampanin sa pagtulong sa mga misyonero na makamit ang mga benepisyo ng pag-aaral ng Ingles sa pamamagitan ng EnglishConnect. Pinapakita ng pananaliksik naang iyong pagbibigay-diin at suporta, nang higit pa sa ibang bagay, ang tutukoy sa tagumpay ng mga misyonero sa pagkatuto ng lenggwahe sa kanilang misyon.
Tulungan ang iyong mga misyonero na maitindihan kung paano sila makikisama sa kanilang Ama sa Langit habang kanilang kinakamit ang kanilang mga hinahangad. Suportahan mo sila sa kanilang patuloy na "paghahangad na matuto, kahit sa pamamagitan ng pag-aaral at ganoon din ng pananampalataya" (Doktrina at mga Tipan 88:118 ). Turuan mo sila na makayanang sabihin, kagaya ni Nefi na, "alam ko kung kanino ako nagtitiwala. Ang Diyos ang aking naging suporta" (2 Nefi 4:19-20 ).
Ikaw ay magiging tunay na matagumpay kung iyong tutulungan ang mga misyonero na maintindihan ang pangitain at matutunan na umasa sa Banal na Espiritu habang kanilang hinahangad ang regalo ng mga wika.
Inaprubahan ng Missionary Department na magkaroon ng isang oras na pag-aaral ng lenggwahe ng mga misyonero sa araw-araw gamit ang EnglishConnect. Ginagamit ng mga misyonaryo ang panahong ito para mag-aral nang mag-isa o mag-aral nang kasama ang kanilang kompanyon.
Kapag nakumpleto na ng mga misyonaryo ang pahuling pagtatasa, magdadownload sila (mag print kung gusto) ng isang opisyal na sertipiko na nagpapakita ng kanilang antas ng kasanayan sa ingles. Ang katibayan na ito ay maaaring gamitin upang maging kuwalipikado sa mas magandang oportunidad na trabaho at pag-aaral. Ang mga misyonaryong na nakakuha ng 6.5 o mas mataas pa sa kanilang huling pagsusulit ay maaaring makakuha agad ng pag-apruba na makapasok sa BYU-Pathway Worldwide at makatanggap ng Returned Missionary Scholarship --na 25% na diskwento sa tuwisyon .
Ikaw ay may mahalagang gampanin sa pagtulong sa mga misyonero na makamit ang mga benepisyo ng pag-aaral ng Ingles sa pamamagitan ng EnglishConnect. Pinapakita ng pananaliksik na
Tulungan ang iyong mga misyonero na maitindihan kung paano sila makikisama sa kanilang Ama sa Langit habang kanilang kinakamit ang kanilang mga hinahangad. Suportahan mo sila sa kanilang patuloy na "paghahangad na matuto, kahit sa pamamagitan ng pag-aaral at ganoon din ng pananampalataya" (
Inaprubahan ng Missionary Department na magkaroon ng isang oras na pag-aaral ng lenggwahe ng mga misyonero sa araw-araw gamit ang EnglishConnect. Ginagamit ng mga misyonaryo ang panahong ito para mag-aral nang mag-isa o mag-aral nang kasama ang kanilang kompanyon.
Kapag nakumpleto na ng mga misyonaryo ang pahuling pagtatasa, magdadownload sila (mag print kung gusto) ng isang opisyal na sertipiko na nagpapakita ng kanilang antas ng kasanayan sa ingles. Ang katibayan na ito ay maaaring gamitin upang maging kuwalipikado sa mas magandang oportunidad na trabaho at pag-aaral. Ang mga misyonaryong na nakakuha ng 6.5 o mas mataas pa sa kanilang huling pagsusulit ay maaaring makakuha agad ng pag-apruba na makapasok sa BYU-Pathway Worldwide at makatanggap ng Returned Missionary Scholarship --
Itatag ang Pangitain
Gamitin ang iyong nakaiskedyul na mga pagkakataon sa pagsasanay para tulungan ang mga misyonaryo na maunawaan ang pangitain at ang iyong mga inaasahan.
- Tulungan ang mga misyonaryo na maunawaan kung paano sila mapapalang pag-aral ng Ingles ngayon at sa hinaharap (
Ipangaral ang Aking Ebanghelyo, Kabanata 7 ).
- Ipaalam ang iyong mga inaasahan para sa pag-aaral ng araw-araw at pagkumpleto ng pagtatasa.
- Imbitahin ang mga misyonero na hangarin ang kaloob ng mga wika at gamitin ang kanilang oras sa pag-aaral ng wika para makamit ang kanilang mga mithiin.
Magtatag ng Kultura
Patuloy na muling bigyang-diin ang iyong mga inaasahan para sa pag-aaral ng wika. Tulungan ang mga misyonero na maramdaman ang iyong sigasig at suporta.
Hikayatin ang mga misyonero sa lahat ng kanilang pagsisikap. Magagawa ito sa iyong mga interbyu, sa mga miting ng pagsasanay, sa pamamagitan ng mga tawag sa telepono, at iba pa. Tulungan ang mga magkakasama na suportahan ang isa't isa sa kanilang mga mithiin sa pag-aaral ng wika.
Tunay kang magiging matagumpay kung iyong tutulungan ang mga misyonero na matutunan na makisama sa ating Ama sa Langit habang kanilang hinahangad ang regalo ng mga wika upang makamit nila ang kanilang mga naisin o goals sa pag-aaral ng Ingles.
Hikayatin ang mga misyonero sa lahat ng kanilang pagsisikap. Magagawa ito sa iyong mga interbyu, sa mga miting ng pagsasanay, sa pamamagitan ng mga tawag sa telepono, at iba pa. Tulungan ang mga magkakasama na suportahan ang isa't isa sa kanilang mga mithiin sa pag-aaral ng wika.
Pinakadalubhasa na Kasanayan sa Pinuno ng Misyon
- Tulungan ang mga misyonero na protektahan at gamitin ang kanilang oras sa pag-aaral ng wika at magtakda ng mataas na inaasahan para sa kanilang pag-unlad.
- Tulungan ang mga misyonero na matutong hangarin at kilalanin ang kaloob ng mga wika.
- Magbigay ng mga pagkakataon sa mga misyonero na iulat ang kanilang pag-unlad. Kabilang sa mga halimbawa: Hikayatin ang pagkumpleto ng mga pagsusuri sa wika, anyayahan ang mga misyonero na magbigay ng panalangin o magbahagi ng patotoo sa Ingles sa zone conference, at ipaulat sa mga misyonero ang kanilang pag-unlad sa kanilang lingguhang liham sa mission president.
Magtalaga ng Isang Tao na Tumulong sa Koordinasyon ng Wika
Ang mission president ay maaaring magtalaga ng isang tao na tutulong sa pangangasiwa sa programa, pamahalaan ang mga materyal, at hikayatin ang mga misyonero sa pagkamit ng kanilang mga mithiin. Ang taong ito ay maaaring isang senior missionary couple, isang mission counselor o secretary, ang kompanyon ng mission president, o isang lokal o remote Church-service misyonero.
Sa website na ito, ang tao na may ganitong assignment ay tatawagin bilang isang koordinaytor ng Wika.
Ang Koordineytor ng Lenggwahe ay dapat maging pamilyar sakanilang tungkulin .
Upang makipag-coordinate ng isang tao ang pag-aaral ng wika at suportahan ang mga misyonero, kailangan nila:
Matuto pa tungkol sa kung paano ka matutulungan ng isang koordineytor ng wika.
Sa website na ito, ang tao na may ganitong assignment ay tatawagin bilang isang koordinaytor ng Wika.
Ang Koordineytor ng Lenggwahe ay dapat maging pamilyar sa
Pamantayan
Upang makipag-coordinate ng isang tao ang pag-aaral ng wika at suportahan ang mga misyonero, kailangan nila:
- Magkaroon ng sapat na lebel sa Ingles upang malaman kung paano gamitin ang mga pagsusulit sa online at mga lebel ng EnglishConnect.
- Aktibong suportahan ang mga misyonero kahit lamang dalawang oras kada linggo sa kanilang pagkatuto ng Ingles.
- Magkaroon ng abilidad na humikayat at sumuporta ng mga samahan o indibidwal na mga misyonero habang sila ay natututo ng Ingles.
Subaybayan ang Pag-unlad
Subaybayan ang pangkalahatang pagtatasa at datos ng pagtatanghal gamit ang Language Dashboard .
Karagdagang Mga Mapagkukunan
Sundin ang mga link sa ibaba para sa karagdagang mga mapagkukunan at tulong.