ECM Homepage Lede.jpeg
EnglishConnect para sa mga Misyonero
> ... Home

Tinutulungan ng EnglishConnect para sa mga Misyonero ang mga misyonero na matuto ng Ingles upang madagdagan ang kanilang oportunidad sa pag-aaral at trabaho habang naghahanda sa pamumuno at pagsuporta sa pamilya sa kanilang pag-uwi.

  • Icon_Employment.svg
    Trabaho
  • ECM Increased Education
    Edukasyon
  • ECM Service
    Paglilingkod
Kung hindi ka nagsasalita ng Ingles, dapat mo itong pag-aralan bilang missionary. Pagpapalain ka nito sa iyong misyon at sa habambuhay. Ang pag-aaral ng Ingles ay magpapala rin sa iyong pamilya.
Mangaral ng Aking Ebanghelyo, Kabanata 7

Pinagpala ang aking buhay sa pag-aaral ng Ingles

Two Sister Missionaries.jpeg
Mga Mapagkukunang EnglishConnect
Ginagamit ng mga misyonero ang mga mapagkukunan sa EnglishConnect upang matuto at magsanay ng Ingles nang pangsarili at nang may kasama.

Kasama sa EnglishConnect ay
  • naka-imprentang mga manwal,
  • supplemental audio,
  • at online na mapagkukunan.

May apat na antas ng kasanayan sa Ingles ang EnglishConnect para sa mga Misyonero

EnglishConnect For Beginners Chevron (Tagalog).svg

EnglishConnect para sa mga Beginner: Para sa mga misyonero na hindi nakaiintindi nang Ingles o kaunti lamang

EnglishConnect 1: Para sa mga misyonero na nakababasa ng alpabetong Ingles at kayang magbigkas ng mga simpleng salita o kabisadong parirala

EnglishConnect 2: Para sa mga misyonero na nakagagawa ng mga panimulang pangungusap pero nahihirapan sa simpleng pakikipag-usap

EnglishConnect 3: Para sa mga misyonero na kayang magkaroon ng natural na pakikipag-usap at kayang magbasa at magsulat ng mga panimulang pangungusap

Missionaries.jpg One Elder.jpeg

Natatanging mga Pakinabang ng EnglishConnect para sa mga Misyonero

Mga Pagkakataon sa Akademiko
Ang mga misyonero na nakapuntos ng 6.5 o mas mataas sa pagtatasa ng wika ng misyon ay maaaprubahan upang matanggap sa BYU-Pathway Worldwide.

"Nakatulong sa akin ang EnglishConnect upang maging handa ako sa BYU-Pathway. Makatutulong sa akin ang BYU-Pathway upang makahanap nang mas magandang trabaho. Gusto kong maging accountant. Tinulungan ako ng BYU-Pathway upang magawa iyon." - Sister Suwanan Yamma, Thailand

"Ang pagbabago na galing [sa pagbabalik-loob] ay pagnanais na maging mabuti, na makaangkin ng higit pang liwanag, at magbigay nang pinaigting na paglilingkod sa iba. Ang mga pagnanais na iyon ay nagdulot nang kagutom sa edukasyon, matutunan ang totoo, kapaki-pakinabang, at maganda." - Presidente Henry B. Eyring, Edukasyon para sa Tunay na Buhay
Mga Pagkakataon sa Trabaho
  • Ang pagkatuto ng Ingles ay higit na makadaragdag sa oportunidad ng isang tao para sa trabaho, edukasyon, at paglilingkod. Sa mga bansa na hindi Ingles ang kanilang inang-wika, ang mga tao na nakapagsasalita ng Ingles ay kayang kumita ng 30-50% na mas mataas na sahod.
  • Sa mga bansa na nagsasalita ng Ingles, ang mga dayuhan at mga takas na natuto ng Ingles ay mas makahahanap ng trabaho, maka-access sa pangangalaga sa kalusugan, magkakaroon ng higit na oportunidad sa edukasyon, at makisapi sa pamayanan.

"Nakatulong talaga ito pagkatapos ng aking pagsisilbi. Nakatulong sa akin ang paggamit ng Ingles upang makakuha ng trabaho bilang isang nars." Sister Gaie – Singapore Mission
Magbigay-tuon sa Layunin ng Misyonero
Ang mga pinagkukunan ng EnglishConnect para sa Misyonero ay galing sa ginamit ng mga ward, stake, at misyon sa pagpapanayam ng mga pangkat sa EnglishConnect. Ang mga lokal na grupo ay naglalaan ng oportunidad sa pag-asa sa sariling kakayahan at pakikipagkapatiran sa mga miyembro at kaibigan ng Simbahan.

Ang mga misyonero na gumagamit ng EnglishConnect upang matuto ng Ingles sa kanilang misyon ay maaaring lumahok sa mga pangkat na ito bilang karugtong ng kanilang pansarili at katambal na pagsasanay.

Maaari ring gamitin ng mga pangulo ng misyon ang EnglishConnect bilang kasangkapan sa paghahanap ng mga taong tuturuan. Tingnan Mga Ibang Paraan sa Paggamit ng EnglishConnect para sa karagdagang kaalaman.

Paano Magsimula

May katanungan ka ba?

Tingnan ang pangtulong na bahagi upang mahanap ang sagot.

Mayroon ka bang puna o kailangan mo ng dagdag na tulong?

Mangyaring makipag-ugnay sa amin at magiging masaya kami na tulungan ka.