Ang mga assessment sa wika ay tools na nakakatulong sa mga missionary na nag-aaral ng bagong wika. May dalawang assessment sa wika na maaaring sagutan ng mga missionary: ang elicited imitation assessment (EI) at ang language speaking assessment (LSA). Kapwa matutulungan nito ang mga missionary na magrebyu ang kanilang progreso at hasain ang kanilang pag-aaral ng wika.
Elicited Imitation (EI)
Para sa mga missionary na nag-aaral ng Ingles sa pamamagitan ng EnglishConnect for Missionaries. Ang assessment na ito ay available rin sa wikang Spanish, French, German, Italian, Japanese, Mandarin, Portuguese, at Tagalog para sa mga missionary na inatasang pag-aralan ang wika ng misyon.
Ang elicited imitation assessment (EI) ay tumutulong sa mga missionary na matukoy ang kanilang kakayahan sa isang wika at ang kanilang progreso. Sa pagsusulit na ito (na magagawa sa kompyuter o cell phone), makakarinig ang mga missionary ng iba-ibang mga pangungusap sa wika na kanilang pinag-aaralan na siya namang uulitin nila. Ang mga pangungusap ay nagiging mas mahaba at kumplikado habang tumatagal.
Sa pagtatapos ng pagsusulit, ang mga missionary ay makatatanggap ng isang report na magbibigay sa kanila ng mga mungkahi at mga halimbawang audio na tutulong sa kanilang pagbutihin pa ang kanilang pag-aaral ng wika. Maaari din nilang i-download ang sertipiko na nasa pagtatapos ng pagsusulit na maaari nilang gamitin pagkatapos ng kanilang misyon. Dapat kunin ng mga missionary ang EI language assessment bawat 105 araw (bawat tatlong transfer).
Language Speaking Assessment (LSA)
Para sa lahat ng mga missionary na nag-aaral ng wika.
Ang language speaking assessment (LSA) ay nagbibigay sa mga missionary ng pagkakataon na ma-evaluate ang kanilang progreso sa wika at mapagbuti ang kanilang pag-aaral ng wika. Sa pagsusulit na ito, sasagutin nila ang mga tanong tungkol sa kanilang mga kakayahan sa wika at tutugon sa mga speaking prompt ng wikang pinag-aaralan nila. Pagkatapos ay makatatanggap ang mga missionary ng report na batay sa kanilang self-assessment. Ang self-assessment na ito ay maaaring sagutan kahit ilang beses na naisin nila.


Mga Bagay na Madalas Itanong
Makatatanggap ng email ang mga missionary kapag oras na para sagutan nila ang assessment. Ang assessment na ito ay maaaring sagutan sa loob ng dalawang linggo matapos matanggap ang email. Ang mga email reminder na ito ay ipinadadala ayon sa
Ang pagsunod sa iskedyul na ito ay tutulong sa mga missionary at sa mga sumusuporta sa kanila na matiyak na ang mga assessment score para sa lahat ng mga missionary sa area ay sabay-sabay na darating. Makakatulong ito sa mga lider na mas mainam na matukoy ang progreso ng kakayahan sa wika ng mga missionary.
Maaring ibahagi ng mga mission leader ang report sa mga sumusuporta sa pag-aaral ng wika sa mission sa pamamagitan ng pag-download ng datos sa “Download” tab na nasa report.
- Gamitin ang mga workbook at audio (o web app) ng EnglishConnect for Missionaries at ang Embark app.
- Gamitin ang EI report o LSA report bilang gabay sa mga ideya kung ano ang pag-aaralan.
- I-share ang kanilang mga audio recording mula sa EI report o LSA report sa mga taong mas mahusay magsalita ng wika para makatanggap ng feedback.
- Lumikha ng lingguhang language study plan na may mga partikular na mithiin (tingnan sa
Mangaral ng Aking Ebanghelyo kabanata 7 para sa karagdagang impormasyon).
Sa kanilang huling transfer, maaaring i-download ng mga missionary ang sertipikong ibibigay sa pagtatapos ng EI assessment na magagamit nila pagkatapos ng kanilang misyon. Maaaring pataasin ng sertipiko ang kanilang tsansa na magkaroon ng trabaho matapos ang misyon at ang oportunidad na makilahok sa BYU-Pathway Worldwide.
Ang BYU–Pathway Worldwide ay nagbibigay ng access sa mas murang mga online degree na itinataguyod ng Simbahan sa tulong ng BYU–Idaho at Ensign College.
Ang mga returned missionary na tinatanggap sa BYU-Pathway Worldwide ay awtomatikong makakatanggap ng
Paano kung hindi umabot sa kailangang grado ang kanilang score?
Kung hindi umabot sa 6.5 o higit pa ang score ng missionary sa EI, maaari niyang ipagpatuloy ang pag-aaral ng wikang Ingles gamit ang mga materyal sa EnglishConnect. Para sa EnglishConnect 3, ang mga returned missionary ay hindi na makagagamit ng libreng bersyon para sa missionary, pero maaari silang