Language Coordinator_Missionaries.jpeg
Language Coordinator_Missionaries.jpeg
Koordinasyon ng Wika
Mga Hakbang Para sa Tagumpay
> ... Koordinasyon ng Wika

Responsibilidad ng Koordineytor ng Wika

Ang EnglishConnect para sa mga Misyonero ay tumutulong sa mga misyonero na mahubog ang kanilang kasanayan sa Ingles upang pataasin ang kanilang paglilingkod pagkatapos ng misyon, ang kanilang trabaho, at ang kanilang oportunidad sa pag-aaral -- lalong-lalo na sa BYU-Pathway Worldwide.

Ang Mission President ay maaaring pumili na magtalaga ng isang tao na tumulong sa pangangasiwa sa programa, pamahalaan ang mga materyal, at hikayatin ang mga misyonero sa pagkamit ng kanilang mga mithiin. Sa website na ito, ang tao na may ganitong assignment ay tatawagin bilang isang koordinaytor ng Wika.

Ang responsibilidad ng koordineytor ng wika ay tulungan ang mga misyonero na magtagumpay sa pag-aaral ng Ingles sa pamamagitan ng pagsuporta sa mission president sa pagtatatag ng kultura ng pag-aaral ng wika. Kasama dito ang pagtulong sa mga misyonero na makamit ang kanilang mga mithiin sa pag-aaral ng wika tulad ng nabanggit sa mga hakbang ng mga misyonero para sa tagumpay pahina.

Upang pangasiwaan at matiyak ang tagumpay ng programa, ituon ang iyong oras sa itong mga pangunahing responsibilidad:

Maunawaan ang Pangitain
Ang pagkatututo ng Ingles ay magbibigay ng makabuluhan na epekto sa landas sa buhay bilang isang misyonero kung sila ay nakauwi na. Ang kakayahan sa Ingles ay magbibigay-daan para sa edukasyon, lalo na sa pamamagitan ng BYU-Pathway Worldwide, at makakatulong sa mga nakauwi na misyonero upang mamasukan sa mga trabahong may potensiyal sa mas mataas na suweldo.

Ginagampanan mo ang isang mahalagang papel sa pagtulong sa mga misyonero na makamit ang mga pakinabang ng pag-aaral ng Ingles sa pamamagitan ng EnglishConnect.

Tingnan ang karanasan sa EnglishConnect for Missionaries sa isang sulyap.

Panoorin ang mga video sa ibaba upang maunawaan kung paano mo susuportahan ang mga misyonero sa kanilang paglalakbay sa pag-aaral ng wikang Ingles.

Buod ng EnglishConnect para sa mga Misyonero


Mga Gampanin at Responsibilidad ng mga Pangulo ng Misyon at mga Koordineytor ng mga Lenggwahe
Suriin ang mga Pangangailangan
  • Isaalang-alang kung paano partikular na matulungan ang mga misyonero sa iyong misyon na magaral sa pamamagitan ng Mga Hakbang para sa Tagumpay.
  • Kumpirmahin na ang mga misyonero ay pumili ng isang antas at tandaan ang kanilang antas para sa iyong mga talaan.
    • EnglishConnect para sa mga Beginner: May alam na kakaunti o walang mga salitang Ingles
    • EnglishConnect 1: Pamilyar sa alpabetong Ingles at masasabi lamang ang mga pangunahing salita o kabisadong parirala
    • EnglishConnect 2: Bumubuo ng mga pangunahing pangungusap ngunit nahihirapan na magkaroon ng mga simpleng pag-uusap
    • EnglishConnect 3: Nagkakaroon ng natural na pag-uusap at nakakapagbasa at nakakapagsulat ng mga pangunahing pangungusap
Pamahalaan at Ipamahagi ang Mga Materyales
  • Ang mga materyales ng EnglishConnect para sa mga Misyonero ay magagamit lamang sa English maliban sa EnglishConnect para sa mga Beginner.

  • Magbibigay ang mga Missionary Training Center sa mga bagong misyonero ng kanilang sariling mga materyales bago pumasok sa larangan ng misyon.
    • Tiyaking ang bawat misyonero ay may mga materyales kabilang ang mga audio track.
    • Kung kinakailangan, mag-order ng mga back-up at kapalit na materyales mula sa Church store o sa Global Service Center.
  • TANDAAN: Ang mga misyon na naglulunsad ng programa sa kauna-unahang pagkakataon ay kinakailangan na lokal na mag-print ng isang buong pandagdag ng mga materyales para sa misyon. Ayon sa mga lokal na pangyayari, maaaring mai-print ng mga misyon ang mga materyales na ito batay sa:
    • Ang Set ng EnglishConnect para sa mga Misyonero ay naglalaman ng:
      • EnglishConnect 1 Workbook
      • EnglishConnect 2 Workbook
      • EnglishConnect 3 Workbook
      • English Grammar Book
    • Kung maaari, bumili o umorder ng bersyon na naaayon sa katutubong lenggwahe ng misyonero.
Subaybayan ang Pag-unlad
  • Kasama ang inyong mga lider sa misyon gawin na subaybayan ang kabuuang pagtatasa at datos ng pagtatanghal gamit ang Language Dashboard.

  • Mag follow-up sa mga misyonero para magbigay ng suporta habang isinasagawa nila ang programa. Maaaring pumili ng simple na pangsubaybay na instrumento.

  • Siguraduhin na makukumpleto ng mga misyonero ang mga sumusunod na pagtatasa sa Portal ng Misyonero.

  • Ang mga pagtatasa na kasalukuyang naaayon sa kanila ang maaari nilang magamit sa pagbukas ng kanilang portal. Missionary Portal:
    • Ang Pagsusulit ng Elicited Imitation (EI)
      • Dapat kunin ng mga misyonero ang EI bawat apat na buwan.
      • Ang huling EI ay kailangang kunin sa huling paglilipat nila sa misyon. Kung makakuha sila ng puntos na 6.5 o higit pa maaari silang matanggap sa BYU-Pathway Worldwide.

  • Bawat misyonero ay dapat kumuha ng huling EI na pagsusulit sa kanilang huling paglilipat. Maaaring kumpletuhin ng mga misyonero ang mga opsyonal na yunit at antas na pagtatasa online. Itong mga opsyonal na pagtatasa ay para sa pakinabang nila, ang kanilang mga puntos ay hindi iuulat o itatala.
Hikayatin ang mga Misyonero
Masusuportahan ninyo ang pangitain ng inyong misyon lider sa pagtatatag ng kultura ng pag aaral ng wika at pagtutulong sa mga misyonero na makamit ang kanilang mga mithiin sa pamamagitang ng:
  • Pagsisigurado na ginagamit ng mga misyonero ang mga mapagkukunan ng maayos.
  • Sa pagbibisita ng mga mapagkukunan ng misyonero na pahina, upang mapag aralan ang mga karagdagang resources na kanilang magagamit para matuto ng Ingles.
  • Makipagtulungan sa mga kompanyon at indibidwal na misyonero na makagawa ng epektibo na pattern sa pag-aaral at magkaroon ng tiwala sa kanilang kakayahan na isakatuparan ang kanilang mga mithiin.

MAGIGING PINAKAMATAGUMPAY KAYO KAPAG TINULUNGAN NINYO ANG MGA MISYONERO NA MATUTONG UMASA SA BANAL NA ESPIRITU AT HANGARIN ANG KALOOB NA MGA WIKA.
Sertipiko ng Pakikilahok
Kapag natapos ng isang misyonero ang isang EnglishConnect na antas, tiyaking ipagdiwang ang kanilang pag-unlad! Mag-click sa ibaba para mag-download at gawaran sila ng sertipiko ng pakikilahok EnglishConnect. (Tingnan ang “Kailan dapat magpunta sa susunod na antas ng EnglishConnect ang mga misyonero? ” para sa karagdagang impormasyon.)

Hindi dapat palitan ng sertipiko ng pakikilahok sa EnglishConnect ang sertipiko ng Elicited Imitation. Pinapatunayan ng Elicited Imitation o EI na sertipiko ang antas ng kasanayan sa wika.

I-download ang PDF na: EnglishConnect 1  | EnglishConnect 2  | EnglishConnect 3
Karagdagang mga Mapagkukunan
Sundin ang mga link sa ibaba para sa karagdagang mga mapagkukunan at tulong.